-- Advertisements --
May naisip na solusyon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para labanan ang paglaganap ng mga cybercrime.
Ayon kay NCRPO Chief Brigadier General Jose Melencio Nartatez na plano nilang maglikha ng anti-cybercrime desk sa lahat ng mga police station na kanilang nasasakupan.
Itinuturing kasi nito na malaking banta ang cybercrime dahil sa mga makabagong teknolohiya.
Kasabay din nito ay nagtapos na ang nasa 223 na mga police officers sa kanilang Basic Crybercrime Investigation Seminar ng NCRPO na sila ang malaking tulong sa pagsugpo ng cybercrime sa National Capital Region.