
Nakikipag-ugnayan na rin umano ang National Bureau of Investigation(NBI) sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) kaugnay ng nangyaring pagpatay kay Juan Jumalon o mas kilala bilang DJ Jhonny Walker.
Ito ay para sa sarili nitong imbestigasyon.
Bahagi ng naging koordinasyon ng NBI sa PTFoMS ay ang data-sharing o information sharing para sa mas malawak pang imbestigasyon.
Maalalang kahapon ay inilabas na ng Pulisya ang cartographic sketch ng gunman na umano’y may gawa sa brutal na pagpatay sa naturang mamamahayag.
Ito ay isang araw lamang mula nang mangyari ang naturang krimen.
Sa kasalukuyan, hindi lamang ang mga lokal na opisyal ng bansa ang naghayag ng kanilang pagkundena laban sa naturang pamamaril kungdi maging ang mga ambassador ng ibang bansa na nakabase sa Pilipinas.
















