Mariing itinanggi ng National Bureau of Investigation na ang pagkakaaresto sa online media network personality na si Franco Mabanta at iba pa, ay may layon atakihin ang malayang pamamahayag o ‘freedom of the press’.
Pinabulaanan mismo ni NBI Dir. Atty. Melvin Matibag ang patungkol rito at iginiit na miski siya’y tutol sakali man mayroon insidente o gawain pag-atake sa ‘press freedom’.
Aniya’y may malinaw naman umanong mga ebidensya ang pagkakasangkot nito sa sinasabing pangingikil ng pera kung kaya’t iba ang gawain krimen sa tinutukoy na malayang pamamahayag.
Habang kanya rin sinabi na ang tinatawag na ‘freedom of expression’ ay may kalakip na responsibilidad.
Bagama’t prinoprotektahan ang malayang pamamahayag ng publiko o midya, binigyang diin ng direktor na kanilang hahabulin ang mga ilegal na gawain.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pag-iimbestiga ng kawanihan sa iba’t iba pang mga anggulo ng krimen o ilegal na gawain maari pang matuklasan.
Pagtitiyak pa na sila’y magbabase lamang raw sa ebidensya at seseguraduhin magiging patas ang pagsasagawa ng imbestigasyon.
Posibleng maharap sa kasong Robbery (Extortion) may kaugnayan sa paglabag ng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 ang mga naaresto.
Ito’y sa kadahilanang pagtanggap sa marked money ng NBI na parte sa kahilingan aabot ng 300-milyon piso bilang kabayaran kapalit sa hindi pagsasapubliko ng video laban kay former House Speaker Martin Romualdez.













