CAGAYAN DE ORO CITY – Nagsanib pwersa na ang National Bureau of Investigation (NBI) at iba’t ibang unit ng Philippine National Police (PNP) para mapabilis ang pagkamit ng hustisya sa nangyaring pananambang sa alkalde ng Lumbaca-Unayan, Lanao del Sur.

Sinabi ni Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) spokesperson Major Evan ViƱas na walang tigil ang kanilang pagtatrabaho upang mahuli ang mga sarilin lalong lalo na ang utak sa pag-ambush kay Mayor Somerado Guro.

Matatandaang pauwi na sana si Guro kasama ang kanyang asawa at kamag-anak sakay ng pribadong sasakyan ng biglang pinaulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Iponan sa lungsod.

Nasawi sa insidente ang maybahay ng Alkalde dahil sa tinamo nitong mga tama sa katawan.