-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sasampahan ng kasong homicide with robbery ang makapatid na trabahante na umano’y responsable sa karumaldumal na pagpaslang ng negosyanteng mag-asawang Maranao-Muslims mismo sa loob ng kanilang pagmay-ari na restaurant sa Barangay Sarimanok,Marawi City, Lanao del Sur.

Sinabi ni Marawi City Police Station commander Lt Col. Muhidin Pagayawan na natunton ang mga bagitong salarin nagtatago sa Brgy. Holy Redeemer, Butuan City ng Caraga region.

Unang tinukoy na mga suspek ang magkapatid na sina Jewel at Jemuel Olaran,nasa legal na nga edad na dating mga trabahante sa mag-asawang Usodan at Baira Monte na kapwa dugu-an na wala ng buhay nang madiskobre ng anak nito sa loob ng B&E Inasal sa kabisera ng Marawi.

Kaugnay nito, agad ikinasa ang malawakang operasyon alinsunod sa kautusan ni Marawi City Mayor Atty. Majul Gandamra laban sa mga salarin kaya natunton ang kanilang lokasyon sa Butuan City.

Magugunitang sa inisyal na imbistigasyon ng pulisya sa crime scene,maraming valuables ang nawawala kabilang ang pera at mga alahas ng mga biktima.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Marawi City PNP ang magkapatid na mahaharap ng kasong kriminal sa piskalya ng Lanao del Sur.