-- Advertisements --
Nagbigay ng tulong si Portland Trail Blazer star Damian Lillard sa Philippine General Hospital (PGH) na nasunog ang ilang bahagi noong nakaraang buwan.
Kinumpirma ito ng actress na si Yassi Pressman matapos na maibigay sa PGH ang nasabing donasyon.
Aabot aniya sa P1 milyon ang donasyon nila ng NBA star para makabili ng bagong kagamitan ang PGH matapos na ito ay masunog.
Magugunitang noong Mayo 16 ng masunog ang ikatlong palapag ng pagamutan kung saan labis na nadamay ang sterilization unit ng pagamutan.
Dalawang beses ng bumisita sa bansa si Lilliard una ay noong 2014 sa isang exhibition game at noong 2016 ng i-promote ang kaniyang sapatos.