Pinatikim ng Orlando Magic ang pangatlong pagkatalo ng Golden State Warriors 94-90.
Nagpanalo sa koponan ang tatlong free-throws na naipasok ni Franz Wagner na mayroon siyang kabuuang 18 points na nagawa sa buong laro.
Nanguna sa panalo ng Magic si Wendell Carter Jr na nagtala ng 19 points at walong rebounds habang mayroong seven points, pitong rebounds at tatlong assists si Mo Bamba.
Umabot pa sa 13 point ang naging kalamangan ng Magic sa unang quarter ng laro.
Binuhat naman ni Nikola Jokic ang Denver Nuggets para talunin ang Los Angeles Clippers 127-115.
Nagtala ito ng 30 points at 14 rebounds habang mayroong tig-16 points ang nagawa nina Aaron Gordon, Jeff Green at Bones Hyland.
Nag-ambag naman ng 15 points si Monte Morris, 11 points kay Austin Rivers at 10 points ang nagawa ni Will Barton.
Sa unang quarter ay hawak pa ng Clippers ang kalamangan subalit hindi bumitiw ang Nuggets hanggang tuluyang maipanalo ang laro.
Tumipa ng 45 points at walong assists si Trae Young para makuha ng Atlanta Hawks ang come-from-behind na panalo laban sa New York Knicks 117-111.
Umabot pa ng hanggang 10 points ang kalamangan ng Knicks subalit naipasok ni Young ang three-pointers kaya naitabla ang laro 105 all sa natitirang 2:54 sa last quarters.