Patuloy na nagpapagamot ang dating NBA Hall of Famer Dikembee Mutombo dahil sa brain tumor.
Ayon sa NBA na may mga doctor sa Atlanta ang tumitingin sa dating basketbolista.
Humingi naman ng privacy ang kaanak nito sa nasabing usapin.
Ang dating center ay naglaro ng 18 season sa NBA mula sa anim na koponan.
Taong 1991 ng kinuha siya ng Denver Nuggets bago lumipat sa Atlanta Hawks.
Naglaro din ito sa Philadelphia 76ers, New Jersey Nets, New York Knicks at Houston Rockets.
Nakilala siya sa pagiging magaling sa mga shot blocks at nakamit ang Defensive Player of the Year awar ng apat na beses sa kaniyang career.
Noong 1997 ay nagtaguyod ito ng charity sa kaniyang bansang Democrative Republic of Congo at nakapagtayo ng 300-bed hospital para sa mga biktima ng malaria.