-- Advertisements --

Bumaba na sa 7 ang bilang nga mga national road section na hindi madaanan dahil sa magkakasunod na bagyo at pag-iral ng habagat.

Sa updated report na inilabas ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nagawa na ng mga nakadeploy na unit nito na linisin ang karamihan sa mga road section mula sa mahigit 30 national road sections na unang isinara sa trapiko nitong nakalipas na lingo.

Ang 7 road section ay kinabibilangan ng tatlong section ng pambansang lansangan sa Cordillera Administrative Region, dalawa sa Central Luzon, at dalawa sa Calabarzon Region.

Ang mga ito ay nananatiling isinasailalim sa clearing operation mula sa mga malalaking tipak ng bato, pungkahoy, putik, atbpang debris na bumagsak at naitambak sa kasagsagan ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, nananatiling limitado ang access sa 14 na national road section sa iba’t-ibang bahagi ng bansa dahil pa rin sa mga kalamidad.

Kinabibilangan ito ng apat sa CAR; 2 sa Region I; 5 sa Region III; 1 sa Region IV-A; 1 sa Negros Island Region (NIR); at isa sa Region IX.

Ang ilan sa mga ito ay nananatiling lubog sa tubig baha at hindi pa maaring daanan ang malalalim na bahagi nito habang ilan din sa mga ito ay pansamantalang isinara bilang precautionary measure.

Ang iba naman ay kasalukuyang inaayos at tanging ang ilang linya lamang ang maaaring daanan.