-- Advertisements --
Humanga sa galing ni Kai Sotto ang head coach ng NBA G League na si Brian Shaw.
Sinabi nito na hindi malayong magaya sa ilang sikat na NBA player si Sotto kapag nagpatuloy sa kaniyang ginagawang ensayo.
Inihalimbawa niya dito si Nikola Jokic ng Denver Nuggets.
Gaya aniya ng Serbian player ay kaya nitong gumawa ng laro at magpasa ng bola sa kaniyang mga kasamahan.
Kailangan lamang aniya na magsagawa ng matiding ensayo si Sotto para magtagumpay sa NBA.
Magugunitang kaya ipinursige ni Sotto ang kaniyang NBA dream ay para magaya ang mga iniidolo nitong player na sina Joel Embiid at Tim Duncan.