-- Advertisements --

Tinambakan ng Oklahoma City Thunder ng 35 points ang West No. 8 na Phoenix Suns, 119-84.

Naging madali para sa defending champion na i-dispatsa ang Suns kung saan sa pagtatapos pa lamang ng 1st half ay hawak na nito ang 21-point lead.

Umabot pa ang kalamangan sa 31 points sa pagtatapos ng 3rd quarter hanggang sa tuluyan na ring pinagpahinga ang mga starter sa huling bahagi ng laban.

Sa loob lamang ng 29 mins, kumamada si Thunder star Shai Gilegous-Alexander ng 25 points, kasama ang 15 free throws mula sa kaniyang 17 attempts.

Hindi nakapalag ang Phoenix sa magandang opensa ng OKC matapos magawa ng defending champion na magpasok ng 1.29 points sa bawat possesion, lalo na sa paint area kung saan kumamada ang koponan ng 52 big points. Tanging 24 points lamang ang naging kasagutan dito ng Suns.

Binantayan ng Thunder ang mga pangunahing shooter ng Suns kung saan hanggang 40 points lamang ang pinagsamang score ng dalawang Suns guard na sina Devin Bookler at Jalen Green.

Sa pananatili ng dalawang guard sa hardcourt, nagtala si Booker ng -25 habang -19 naman ang performance ni Green.

Gaganapin muli sa homecourt ng Thunder ang susunod na laban habang ang Game 3 at Game 4 ay lilipat na ito sa Phoenix, Arizona. (Report by Bombo Genesis)