-- Advertisements --

Nag-anunsyo ng suspensyon ng face-to-face classes ang ilang paaralan sa Metro Manila kaugnay ng nakatakdang tatlong araw na transport strike na magsisimula sa Miyerkules, Abril 15, 2026.

Ayon sa abiso, ang Lyceum of the Philippines University Manila ay lilipat sa online learning modality hanggang Abril 17, maliban sa ilang practical classes tulad ng Kitchen Lab, Food & Beverage, at Bar Management na magpapatuloy pa rin.

Habanag ang University of Santo Tomas ay nag-anunsyo rin ng pag-suspend ng face-to-face classes sa lahat ng antas bilang pag-iingat sa inaasahang epekto ng transport strike.

Ang naturang hakbang ay kaugnay ng planong tatlong araw na 2026 Metro Manila transport strike na inaasahang makakaapekto sa biyahe ng mga estudyante at manggagawa sa Kalakhang Maynila.

I-refresh lamang ang page na ito para sa kabuuang updates.