Binabalak ngayon ng pamunuan ng NBA at National Basketball Players Association na palawakin pa ang ang pagsasagawa ng COVID testing sa mga players at staff.
Ang gagawing hakbang ng liga ay matapos na maalarma na umaabot na sa 60 mga players ang inilagay sa quarantine.
Kahapon lamang nasa 13 mga players ang panibagong isinailalim sa health and safety protocols, na siyang pinakamarami ngayong regular season.
Dahil dito, plano ng NBA na isasama sa puspusang COVID-19 tests ay maging ang mga vaccinated players lalo na at inaasahan ang kabi-kabilang selebrasyon sa kapaskuhan at new year.
Una nang tinamaan ng COVID outbreaks ang mga teams ng Chicago Bulls, Charlotte Hornets at Brooklyn Nets.
Maging ang two-time NBA MVP Giannis Antetokounmpo at isa pang teammate sa Milwaukee Bucks ay inilagay na rin sa health protocols.