-- Advertisements --
Naglunsad ng malawakang paghahanap si The Beatles member Paul McCartney para mahanap ang kaniyang orihinal na Hofner bass guitar.
Ang Lost Bass Project ay inilunsad para makakuha ng impormasyon kung nasaan na ang tinaguriang pinaka-importanteng bass sa kasaysayan.
Binili kasi ni McCartney ang instrumento sa halagang $38 sa Hamburg, Germany noong 1961.
Nawala na lamang ito pagkalipas ng walong taon.
Kabilang ang nasabing bass guitar sa mga kantang ginawa ng banda gaya ng “Love Me Do” at “She Loves You”.
Nanguna si Nick Wass sa proyekto para mahanap ang bass guitar na sinamahan siya ng ilang mga journalist.