-- Advertisements --

Mayroon ng go-signal ang Philippine Navy na lagyan ng makabagong teknolohiya mula sa US ang bagong barko ng bansa.

Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, mayroon ng lalagyan ng Tactical Data Link 16 ang bagong Rizal-class na warships ng bansa.

Sa pamamagitan ng government to government deal ay mabibili ito ng bansa.

Ang Link 16 ay kayang i-monitor ang battle space operations at mamamahagi rin ng impormasyon sa mga kaalyado nitong bansa.

Magugunitang nakabili ang bansa ng dalawang makabagong sasakyang pandagat mula sa South Korea na nagkakahalaga ng P16 bilyon.