Nakitaan ng “meaningful progress” ang pag-apula sa malaking sunog sa landfill sa Navotas City ayon sa visiting experts mula Japan.
Nabatid na dumating ang Japan Disaster Relief (JDR) Expert Team sa bansa noong Abril 23 at nagsagawa ng halos isang linggong assessment bago isumite ang kanilang ulat sa mga kinauukulang ahensya ng Pilipinas.
Batay sa kanilang obserbasyon at konsultasyon, sinabi ng JDR Team na may progreso na sa pagresolba ng sitwasyon sa nasunog na 41-hectare landfill.
Ang sunog, na sumiklab noong Abril 10, ay nagdulot ng seryosong pag-aalala sa kalusugan ng publiko dahil sa makapal na usok at posibleng epekto nito sa mga komunidad sa Metro Manila at karatig-lugar.
Dahil sa toxic smoke, nagkaroon ng evacuation sa ilang lugar kabilang ang Obando.
Ayon sa Embahada ng Japan, ang pagdating at pagtulong ng JDR Team ay bahagi ng kahilingan ng pamahalaan ng Pilipinas upang suportahan ang patuloy na response operations sa lugar.















