Alexei Navalny
-- Advertisements --

Nasa mabuting kalagayan at malusog si Russian critic Alexey Navalny habang ito ay nakakulong.

Kasunod ito sa pangamba ng kampo nito sa kalagayn ng kritiko ni Russian President Vladimir Putin.

Ayon sa Russisan Federal Penitentiary Service na kabilang si Navalny na sumailalim sa medical examination at lumabas na wala itong anumang sakit na dinaramdam.

Magugunitang nilason si Navalny habang ito ay lulan ng eroplano kung saan itinuro niya ang Russian President na nasa likod ng insidente subalit ito ay kanilang pinabulaanan.

Nagpagamot pa si Navalny sa Germany at ng bumalik sa Russia ay doon na siya inaresto dahil sa iba’t-ibang kaso gaya ng pagpapasimuno umano ng iligal na kilos protesta.

-- Advertisement --