-- Advertisements --

Kinondina ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang pagsuplay ng armas ng Iran sa Russia na ginagamit sa pag-atake sa Ukraine.

Sinabi ni NATO Secretary General Jens Stoltenberg , hindi katanggap-tanggap ang pagsuplay ng Iran ng drones at mga ballistic missiles.

Nauna rito ay inihahanda na ng Iran ang pagpapadala ng nasa 1,000 na dagdag na armas sa Russia kabilang na ang surface-to-surface short-range ballistic missiles at mga attack drones.

Ang nasabing hakbang ay mahipit na babantayan ng US at maraming mga bansa.

Magugunitang una ng kinondina ng US ang drone attack ng Russia sa Ukraine.