Duda si North Atlantic Treaty Organization (NATO) secretary general Jens Stoltenberg na pinaatras na ng Russia ng ilang sundalo nila na unang itinaglaga sa border nila ng Ukraine.
Sinabi nito na patuloy ang kanilang gagawing defensive strategy sa ilang bahagi ng Europe.
Hindi rin aniya sila nagsasawa na hikayatin ang Russia na makipag-usap sa kanila at idaan sa diplomatic solution ang nasabing problema nila sa Ukraine.
Nauna rito sinabi ni Russian President Vladimir Putin na kanilang pinabalik sa base nila ang mga sundalo dahil natapos na umano ang isinagawa nilang military exercise sa Belarus.
Pinabulaanan naman ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang sinabi nito na Putin dahil wala silang nakikitang pagbawas ng mga sundalo sa kanilang border.