-- Advertisements --

Hindi bababa sa 5 katao ang nasawi matapos ang maaksidente ang isang tour bus sa New York City.

Sinabi ni New York State Police spokesperson James O’Callaghan na ang bus ay may lulan na 50 pasahero kung saan galing sila sa Niagara Falls at pabalik na sa New York City ng mangyari ang aksidente sa highway ng bayan ng Pembroke sa silangan bahagi ng Buffalo, New York.

Nagpagulong-gulong pa ang bus sa mataas na bahagi ng kalsada kung saan kabilang sa mga pasahero ay menor-de-edad.

Tinawag naman ni New York Governor Kathy Hochul ang insidente bilang kalunos-lunos.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.