-- Advertisements --

Nagbabala ngayon si North Atlantic Treaty Organization (NATI) Chief Jens Stoltenberg na posibleng magtagal pa ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine ng ilang taon.

Ito ang inilabas sa isang interview na isinapubliko ng German daily newspaper na Bild.

Todo pa rin naman ang panawagan ng secretary general sa Western countries na magbigay ng long-term support sa Kyiv.

“We must be prepared for this to last for years. We must not weaken in our support of Ukraine, even if the costs are high — not only in terms of military support but also because of rising energy and food prices,” ayon sa secretary general ng NATO.

Aniya, wala raw halaga ang ang pagkain at fuel costs kumpara sa isang sinasahuran ng araw-araw na Ukrainians na nasa frontline.

Magdudulot daw kasi nang mas malaking halaga kapag naisakatuparan ni Russian President Vladimir Putin ang kanyang plano sa Ukraine.

Noong mga nakaraang linggo, nanawagan ang NATO chief sa mga kaalyadong bansa na suportahan ang Ukraine sa kanilang pakikipaglaban sa puwersa ng Russia.

Inulit din nito ang panawagan sa NATO member nations na patuloy na mag-deliver ng mga armas sa Kyiv.

Dagdag ni Stoltenberg na posibleng madagdagan daw ang hardware support kapag napaatras ng Ukraine ang tropa ni Putin sa Donbas region.

Ang ilang bahagi kasi ng Donbas region sa Ukraine ay kontrolado ngayon ng Russian forces.