-- Advertisements --

Inanunsyo ni Orlando Marquez, pangulo ng Liga ng Tranportasyon at Operator sa Pilipinas na posibleng magkaroon ng isang One Time Big Time Nationwide Transport Strike.

Sinabi ni Marquez na nagkaroon sila ng pagpupulong kasama ang iba’t ibang mga lider ng transportasyon hinggil sa malawakang tigil-pasada.

Ang hakbang ay sa gitna ng sunod-sunod na taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Pero para sa ibang jeepney operators at drivers, naghihintay muna sila ng approval sa hinihiling na P3 dagdag sa pamasahe, ngunit ang ilan ay P6 naman ang hirit sa LTFRB.

Gayunman, binanggit ni LTFRB Chairman Martin Delgra na malabo pa sa ngayon na mapagbigyan ang anumang fare increase.