Nagpositibo sa COVID-19 ang national artist na si Kidlat Tahimik.

Sinabi nito na noong Disyembre 11 ng isagawa ang routine swab test sa Triage ng Baguio Convention Center at dito lumabas na nagpositibo siya sa COVID-19.

Dahil dito ay naka-self -imposed quarantined na siya kung saan araw-araw siyang binibisita ng mga nurse.

Regular na tinigtignan ang kaniyang blood pressure at ang kaniyang temperatura ganun din ang kaniyang oxygen count.

Naganap ang kaniyang self quarantine pagkatapos ng ikatlong edisyon ng Ibagiw Festival noong nakaraang buwan.

Nagpasalamata naman ito dahil nagnegatibo ang mga nakasalamuha niya sa kaganapan na kaniyang dinaluhan.

Pinayuhan niya ang mga kaibigan na maging maingat laban sa COVID-19.