-- Advertisements --

Nakapagtala na ang Department of Health (DoH) ng mga fireworks-related injuries, kahit may umiiral pa ring paghihigpit dahil sa pandemya.

Sa monitoring ng ahensya, umabot na sa 19 ang nasugatan dahil sa paputok.

Kung ihahambing sa record, pantay lamang ito sa bilang noong nakaraang taon.

Wala namang naitalang nasawi sa mga insidente.

Pero lima sa naturang mga kaso ang nagtamo ng malubhang pinsala kaya kinailangang putulin ang parte ng katawan.

Habang ilan naman ang hindi na kinailangang putulan, ngunit ginamot pa rin para makaiwas sa tetano.

Ang mga ito ay naitala sa BARMM, Cagayan Valley, Western Visayas, Central Visayas, Ilocos Region at Bicol.

Habang may ilang ulat naman na gumagamit ng mga iligal na paputok sa Metro Manila.