-- Advertisements --

Umapela ang National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. (NASECORE) sa Department of Energy (DOE) na bawiin ang exemption na ibinigay sa kauna-unahang nuclear power plant ng bansa mula sa Competitive Selection Process (CSP), na itinakda sa bagong circular ng ahensya.

Tinuligsa ng consumer watchdog ang DOE Department Circular No. DC2025-10-0019, na nagbibigay-daan sa mga distribution utility na direktang bumili ng kuryente mula sa nuclear plant nang walang bidding.

Ayon kay NASECORE president Petronilo Ilagan, ang exemption ay labag sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), mga naunang circular ng DOE, at mga desisyon ng Korte Suprema na nagpapalakas sa mandato ng CSP.

Dagdag ni Ilagan, ang CSP ay mahalagang mekanismo laban sa overpricing, collusion, at hindi makatarungang kontrata sa enerhiya.

Magugunitang ang circular ay unang kautusang pinirmahan ni Energy Secretary Sharon Garin.

Sinusubukan pang kunin ng Bombo Radyo, ang pahayag ng DOE ngunit wala pa itong tugon sa amin.