-- Advertisements --

Umakyat na sa mahigit 50,000 na mga Palestinians ang nasawi sa ginawang pag-atake ng Israel sa Gaza.

Ang bilang na 50,021 ay katumbas ng 2.1 percent ng 2.3 milyon na pre-war population ng teritoyo.

Ayon sa Palestinian health ministry na mayroon ding 113,274 na iba pa ang naitalang sugatan sa insidente.

Una ng sinabi ng United Nations Human Rights Office na halos 70 percent ng mga biktima ay mga babae at kabataan.

Magugunitang nagsimula ang giyera sa ginawang pag-atake ng Hamas sa Israel noong Oktubre 7, 2023 kung saan nasa 1,200 katao na karamihan sa mga dito ay sibilyan ang nasawi at 251 naman ang binihag.