Muling tatangkain ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang paglulunsad ng rocket sa buwan.
Kasunod ito ng hindi natuloy ang uncrewed test flight ng Artemis 1 dahil sa mga aberya.
Ayon kay launch director Charlie Blackwell-Thompson, naayos na nila ang mga nakita nilang problema sa nasabing rocket at tiniyak nila na matutuloy na itong mailunsad.
Ilan kasi na problema na kanilang nakita ang fuel leak at ang pagiging mainit na makina nito.
Gaganapin ang muling paglipad ng Artemis 1 sa araw ng Linggo pasado 6 ng gabi oras sa Pilpinas.
Isasagawa ang rocket lauch nito sa kanilang Kennedy Space Center sa Florida.
Ang Artemis 1 ay mayroon inilagay na Orion capsule sa ibabaw nito na siyang maiiwan ng 37 araw sa kalawakan at iikot sa buwan sa layong 100 kilometro.
Ang Artemis ay ipinangalan sa kambal na babae ng Greek god na si Apollo kung saan ito ang unang moon mission.
Kapag matagumpay ang nasabing paglulunsad ay gagamitini nila ang Orion na siyang magdadala muli ng mga astronauts sa buwan kabilang ang unang babae at unang tao na maglalakad sa ibabaw ng buwan na posibleng isagawa sa 2025.