-- Advertisements --
NAGA CITY- Inaasahang nasa mahigit-kumulang 800 katao ang pwedeng maipasailalim sa rapid testing sa Spilway sa Concepcion Pequeña, Naga City.
Ang naturang lugar ang unang ipinasailalim sa red zone matapos maitala ang maraming kaso ng COVID-19.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kap. Jewelin Regmalos, sinabi nito na kahapon sila nagsimula kung saan nakatapos na sa halos 200 katao.
Ayon kay Regmalos, magtatagal hanggang tatlong araw ang naturang aktibidad kung saan layunin nito na matiyak na nasa mabuting kalalagayan ang mga residente sa lugar.
Samantala, kinumpirma naman ng kapitan na ipinagbabawal na ang pagbebenta ng mga alak sa mga lugar na nasa red zone sa naturang lugar.