-- Advertisements --
Mahigpit na pinaghahandaan ngayon ng gobyerno ang pagdating ng nasa mula 450,000 hanggang 500,000 overseas Filipino workers (OFWs) ngayong taon.
Sinabi ni National Task Force (NTF) COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr., aminado silang malaking problema ang pagbabalik ng napakaraming OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Sec. Galvez, nakikipagpag-ugnayan na sila sa Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government units (LGUs) para matulungan ang mga displaced OFWs.
Tiniyak naman ni Sec. Galvez na tututukan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang ating mga “bagong bayani.”