DAVAO CITY – Nasa labing anim na mga kalsada at bahay ang ni-lockdown matapos maiulat ang mga Coronavirus disease 2019 (COVID-19) positive patients na naninirahan sa nasabing mga lugar.
Ayon pa kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, nasa 16 na mga teams rin ang idineploy sa lugar para ma-monitor ang mga area na isinailalim sa lockdown.
Sa kasalukuyan, hindi pa nagbigay ng mga detalye si Mayor Inday sa nasabing mga lugar.
Dagdag pa ng alkalde na papalitan rin ang termino na “purok lockdown” sa “street lockdown” para hindi malito ang publiko.
Ipinatupad na ngayon ang “no entry, no exit” policy sa mga apektadong lugar para mapigilan na lumabas ang mga residente at mapigilan ang mga planong pumunta sa nasabing mga barangay.
Nilinaw ng opisyal na maaring ipatupad ang isang lockdown sa mga lugar na maraming tao o sobra-sobra ang populasyon lalo na at malaking ang posibilidad na mabilis ang pagkalat ng virus.