-- Advertisements --

Tuloy-tuloy na raw ang pakikipag-ugnayan ng Commission on Elections (Comelec) sa National Bureau of Investigation (NBI) kasunod na kumakalat sa social media na video ng umano’y pagpunit ng mga pulis sa mga balota.

Kasunod na rin ito ng direktiba ng Comelec na imbestigahan na ng NBI ang naturang issue.Ayon kay Comelec Commisioner George Garcia, nakipag-ugnayan na sila sa NBI para kumpirmahin ang katotohanan sa likod ng video.

Una rito, sinabini Garcia na ang naturang mga balota na nasa video ay mula sa mock ballots na siyang ginamit sa pagsasanay ng mga botante.

Kita sa naturang video na pinupulit ng umano’y mga pulis na naka-uniform ang mga balota.

Dahil dito, nagbabala rin si Garcia sa mga nagpapalakat ng mga maling impormasyon o ang tinatawag na fake news.

Samantala, nagbigay naman ng update ang komisyon sa isinasagawa ng national board of canvassers na canvassing sa mga certificate of canvass.

Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, nakarating na rin ang ilang certificate of canvass mula sa ibayong dagat.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang isinasagawang canvassing at posibleng sa linggo ay makakapagproklamana raw ang komisyon ng mga senador.