Mahigit 1.369 milyong katutubo at residente mula sa mga barangay na dating apektado ng insurhensiya ang nakikinabang ngayon sa mga proyektong patubig sa buong bansa.
Ang mga proyektong ito ay pinondohan ng ₱5.085 bilyon sa ilalim ng Support to Barangay Development Program (SBDP) mula 2021 hanggang 2025.
Sa nakalipas na apat na taon, 1,286 na proyekto ng Level 1, Level 2, Level 3, at sanitation water supply ang naipatupad sa 1,161 geographically isolated at conflict-affected (GICA) barangays.
Noong Oktubre 2025, 1,062 sa mga proyektong ito ang natapos na, 72 ang kasalukuyang ipinapatupad, 80 ang nasa procurement stage, at 43 ang nasa pre-procurement phase.
Bukod sa mga sistema ng malinis na tubig, pinopondohan din ng SBDP ang iba pang mga proyekto tulad ng mga barangay health station, agricultural facilities, pabahay, rehabilitasyon, farm-to-market road, at rural electrification.
Ang SBDP, isang pangunahing programa ng National Task Force Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ay bahagi ng whole-of-nation approach ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa sustainable development at pangmatagalang kapayapaan sa mga dating apektadong komunidad.










