-- Advertisements --

Nakatakdang sumailalim sa military training ng Philippine Army ang nasa 400 na miyembro ng Officer Class 60-2024.

Ito ay matapos ang idinaos na send off ng Philippine Army para sa naturang mga officer candidates sa Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City na ipinadala naman sa Training and Doctrine Command sa Camp O’Donnell, sa Sta. Lucia, Capas, Tarlac.

Ayon kay Philippine Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad, ito na ang pinakamalaking bilang ng mga Army officer candidates mula sa Philippine Army Officer Candidate School na isinailalim sa military training batay sa buong kasaysayan ng kanilang hukbo.

Aniya, layunin ng military training na ito na mahasa pa ang physical, mental, at leadership capabilities ng naturang mga officer candidates bilang mga susunod na platoon leaders ng Ph Army.

Sa gitna ito ng unti-unting shifting ng kasundaluhan mula sa Internal Security Operations patungong Territorial Defense na nangangailangan ng essential specializations na kinakailangan ng organisasyon upang mapanatili ang isang matibay na defense posture ng bansa laban sa mga internal at external potential threats na kakaharapin nito.

Ang Office Candidate Course program ay isang taong military training program na isinasagawa ng Philippine Army asa pamamagitan ng Officer Candidate School para sa mga aspiring Army officers na nakakumpleto na ng kanilang apat na taong bachelor’s degree.

Ito ay pinamamahalaan ng integrated Basic Officer Leadership Course na binubuo naman ng Basic Military Training, Officer Training, at Army War Fighting Functions Training.