Naniniwala si House Ways and Means chair at Albay Representative Joey Salceda na hindi tiyamba ang naitalang unang paglago sa ekonomiya ng Marcos administration na nagpapakita ng mga palatandaan ng pambihirang lakas sa gitna ng pandaigdigang hamon.
Ginawa ni Salceda ang kaniyang assessment matapos ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong araw ng Huwebes ang pagtaas ng gross domestic product (GDP) growth ng 7.6 percent mula July hanggang September 2022.
Una nang hinulaan ni Salceda na malalampasan ng Pilipinas ang expectations at makakapagtala ito ng mataas na GDP growth ng 7.5 percent sa ikatlong quarter ng taon.
Ilan sa mga “consesus” na ibinahagi ng ilang mga ekonomista ay makakapagtala ang Pilipinas ng mataas na GDP kaya giit ni Salceda na hindi ito tiyamba at ito ay totoo.
Naniniwala si Salceda na ito ay dahil kay Pangulong Marcos Jr na may malaking ambag sa paglago ng ekonomiya dahil sa pagiging bukas na ngayon ng bansa sa international cooperation, policy continuity, friendliness to business, at reaffirmation of our traditional international alliances na siyang magbibigay ng stability sa domestic and international investors.
Ibinase ni Rep. Salceda ang kaniyang positive economic outlook sa limang mga kadahilanan.
Sabi ni Salceda na kaya ng Pilipinas na ma-sustain ang pagtaas ng GDP growth lalo at unti-unti ng nagsi-shift ang bansa mula sa pandemic to endemic mode sa COVID-19.
Aminado ang mambabatas na malaking banta pa rin sa pag-sustain ng ating economic growth sa susunod na taon ay ang inflation.
Ibig sabihin magkakaroon pa rin ng pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin.
Kaya pinayuhan ni Salceda ang Pangulo na palakasin ang food, feed o pakain at fuel o gas.
Dagdag pa ni Salceda na sa unang taon ng Pangulo, makakapagtala ito ng pinakalamakas na GDP performance sa rehiyon at isa sa pinaka mahusay sa Asya.
Samantala, inihayag din ni Salceda na maraming mga indikasyon na magpapatunay na lumalakas ang ekonomiya ng bansa gaya ng pagtaas ng remittance ng OFW, tumaas din ang tax collections nitong buwan ng September, umangat ang BPO at tumaas ang bilang ng may mga trabaho na umabot sa 4 million.
Sinabi ni Salceda sa kabila ng economic growth nandiyan pa rin ang inflation.
Gayunpaman, inihayag din ni Salceda na marami sa middle class sector ang nakinabang sa pagtaas ng GDP.
Ibinunyag din ni Salceda na posibleng mas babagsak ang halaga ng piso aabot pa sa P62.00 bawat isang dolyar.