-- Advertisements --
Naglabas ng advisory ang Ninoy Aquino International Airport sa mga pasahero na magtutungo at galing sa Haneda Airport dahil sa pagsasara ng runway ng paliparan.
Kasalukuyang naka-hold ang Philippine Airlines PR424 (MNL-HND) na naghihintay ng clearance habang ang Japan Airlines JL78 ay naka-schedule na lumipa ng alas-11:20 ng gabi nitong Martes.
Habang ang lahat ng Nippon Airways NH870 (MNL-HND) ay naidivert ito sa Kansai Airport (KIX).
Magugunitang isinara ang runway ng Haneda Airport sa Japan matapos ang pagbangga ng Japan Airlines sa eroplano ng Coast Guard na nagresulta sa pagkasawi ng limang Japanese Coast Guard.