-- Advertisements --

Ipinasususpinde muna ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang biyahe ng ilang paliparan sa bansa simula ngayong araw, May 3.

Batay sa inilabas na Notice to Airmen (NOTAM) na inilabas ng CAAP, nakasaad na tatagal ng isang linggo ang suspensyon ng parehong domestic at international, passenger at commercial flights na palabas at papasok ng bansa.

Kabilang sa mga paliparan na sakop ng suspensyon ay ang:

  1. Ninoy Aquino International Airport
  2. Davao International Airport
  3. Clark International Airport
  4. Iloilo International Airport
  5. Mactan-Cebu International Airport
  6. Zamboanga International Airport
  7. Kalibo International Airport
  8. Laoag International Airport
  9. Puerto Princesa International Airport

Ayon sa CAAP, ang issueance ng NOTAM ay alinsunod sa request ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr. sa Department of Transportation.

Ang pahihintulutan lang muna ng ahensya na flights ay ang mga cargo, sweeper, medical, utility at maintenance flights.