Ikinasal na si Spanish tennis superstar Rafael Nadal sa kanyang longtime partner na si Xisca Perello sa isang kastilyo sa Mallorca, Spain.

Ang 19-time Grand Slam champion na si Nadal ay nakipag-isang dibdib kay Perello sa La Fortaleza, kung saan sinasabing nasa 350 guests ang inimbitahan sa isang pribadong seremonya.

Pinaniniwalaang isa sa mga dumalo sa kasal si Juan Carlos I, na hari ng Espanya mula 1975 hanggang 2014.

Habang ang Michelin-star chef na si Quique Dacosta ang umano’y nakatoka sa catering.

Nagtagpo ang landas nina Nadal at ng kanyang asawa sa pamamagitan ng nakababatang kapatid ng tennis icon na si Maribel, na kaibigan naman ni Perello. (AFP)