Dominic Thiem
Dominic Thiem

Nabigong makapasok sa semifinal round ng Australian Open si Rafael Nadal matapos talunin siya ni Dominic Thiem.

Nakuha kasi ng pambato ng Austria ang score na 7-6(7-3), 7-6(7-4), 4-6, 7-6(8-6) sa laro na ginanap sa Melbourne Park.

Tila nakabawi ang fifth seeded tennis player dahil dalawang beses itong tinalo ni Nadal sa French Open Finals.

Susunod na makakaharap ng 26-anyos na si Thiem si Alexander Zverev ng Germany.