-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Myanmar military regime ang kanilang emergency rule ng hanggang 2023.

Ito ay dahil sa patuloy ang nagaganap na labanan sa loob ng gobyerno mula ng maganap ang kudeta noong nakaraang taon.

Magugunitang kinuha ng junta ang kapangyarihan ng gobyerno noong nakaraang taon sa pamamagitan ng pagpapatalsik kay Aung Sung Suu Kyi.

Nauna ng sinabi ni General Min Aung Hlaing na kanilang unang papalawigin ang emergency rule noong Agosto at siya na rin mismo ang nagtalaga sa sarili nito bilang prime minister.

Tiniyak ng mga military na magsasagawa sila ng malaya at patas na halalan sa mga susunod na taon.