-- Advertisements --

Nanawagan ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa mga local government unit na makipagtulungan para matugunan ang problema sa kakulangan ng suplay ng tubig sa bansa.

Isang inihalimbawa ng MWSS ay ang pagsasagawa ng mga LGU ng ordinansa na nagbabawal pansamantala ng mga aktibidad na may malakas na konsomo ng tubig.

Kabilang na dito ay ang paggamit ng mga swimming pool, paggamit ng mga car wash at kahalintulad nito.

Sa ganitng hakbang aniya ay maiibsan ang epekto ng El Nino sa bansa na inaasahan na mananalasa ngayong taon.