CENTRAL MINDANAO-Libo-libong pamilya na ang naapektuhan sa malawakang pagbaha sa lalawigan ng Maguindanao at Cotabato.
Sa bayan ng Datu Montawal nanguna mismo si Mayor Datu Ohto Montawal katuwang si MDRMM Officer Bal Kadiding sa pamamahagi ng tulong sa mga residente na sinalanta ng baha.
Sinuong ng grupo ni Kadiding ang panganib maiabot lamang ang tulong ng father and son cares sa mga pamilya na binaha.
Sa bayan ng Pagalungan isang 12 anyos ang nasawi at isa ang nailigtas sa baha.
Ito mismo ang kinomperma ni MDRRM-Officer Benjamin Alip kung saan inanod ng baha ang biktima na si Rohana Tumbaga, Grade 5 pupil at residente ng Sitio Agakan, Barangay Inug-ug sa bayan Pagalungan.
Sinabi ni Alip na nakita ni Rohana na nalunod ang kapatid nyang 9-anyos na si Raihana kaya’t iniligtas niya ito at sa kasamaang palad ay siya ang inanod nang rumaragasang baha.
Dagdag ng opisyal pati Municipal hall compound sa bayan ng Pagalungan ay hindi nakaligtas sab aha.
Matatandaan na isang taong gulang na batang lalaki ang namatay sa Sitio Proper Barangay Talitay, Pikit, North Cotabato.
Umakyat sa bubong ng kanilang bahay si Saguira Kadir Molina ngunit aksidenteng nahulog ang kanyang anak.
Sa ngayon daan-daang mga pamilya sa nabanggit na mga bayan ang apektado pa rin ng baha kung saan nasa higit 220,000 libong ektarya ng mga pananim din ang apektado.
Una nang nabigyan ng tulong ang mahigit 200 pamilya sa dalawang barangay sa bayan ng Pikit ngunit nanatili pa ring lubog sa baha ang mga ito.