-- Advertisements --

Nilinaw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na isang dramatization lamang at hindi documentary ang pelikulang “Maid in Malacañang”.

Sinabi ni MTRCB Chair Lala Sotto-Antonio, na kanilang ni-review ang pelikula at binigyan nila ito ng rating ng Parental Guidance na ang ibig sabihin nito ay mayroong tema na kailangan ng supervision ng mga magulang.

Dagdag pa nito na sa loob ng 72 oras ng pelikula ay pawang dramatization ito ng pamilya Marcos sa palasyo noong 1986.

Inilabas ng MTRCB ang pahayag matapos ang panawagan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, na dapat gumawa ng hakbang ang MTRCB.

Isa kasi si Alminaza ang nagkondina sa pelikula na nagpakitang naglalaro ng majhong si dating Pangulong Corazon Aquino kasama ang mga madre.