ILOILO CITY – Nanawagan si Ms. Earth 2015 Angelia Ong na tigilan na ang pag-bash kay newly crowned Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ong, sinabi nito na deserving si Rabiya na manalo ng korona at makikita naman anya ito sa kanyang performance mula simula at pagkatapos ng pageant.

Matapos ang patimpalak, inamin ni Rabiya na nalulungkot siya dahil sa unang araw pa lang ng kanyag reign ay napuno na ito ng kontrobersiya.

Ayon kay Ong, hindi maiiwasan ang bashing sa mga pageant kung saan maging siya ang nabiktima rin ng hindi magagandang salita lalo na ng gumawa siya ng kasaysayan sa back to back win nila ni Ms. Earth 2014 Jamie Herrell.