-- Advertisements --
Naghain Metro Manila Transit Line 3 (MRT-3) ng petsyon ng taas pasahe sa Rail Regulatory Unit ng Department of Transportation (DOTr).
Nakasaad sa petisyon ang dagdag ng mula P4.00 hanggang P6.
Sakaling maaprubahan ay ang maximum na singil mula North Avenue station patungong Taft Avenue ay magiging P34 na mula sa dating P28.
Itinuturing na dahilan ng MRT-3 sa petisyon nila ng taas pasahe ay dahil sa kakulangan ng kita nila.
Magsasagawa pa ng public consultation ang DOTR sa darating ng Pebrero 17 ukol sa nasabing usapin.