-- Advertisements --
May libreng sakay sa Metro Rail Transit- 3 (MRT-3) at Light Rail Transit-2 (LRT-2) ang lahat ng mga kababaihan ngayong araw bilang pagdiriwang ng International Wome’s Day.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) isa ang libreng sakay para bigyang pagkilala ang mga kababaihan.
Isasagawa ang libreng sakay mula 7 a.m hanggang 9 a.m. sa umaga at 5 p.m. hanggang 7 p.m.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng libreng sakay ang DOTr dahil noong nakaraang taon ay isinagawa na ito.