Kinoranahan na ang anim na bagong 2020 Mrs. Queen of Hearts Philippines.

Matapos ang ilang buwang online competitions at iba’t-ibang mga charity missions ay isinagawa ang coronation sa Dusit D2 Residences sa Bonifacio Global City sa Taguig nitong Biyernes.

Sa 13 mga sumali ay nakuha ni Anette Mendoza ng Pampanga ang titulong Mrs. Worldwide Philippine, Mrs. Philippines Asia Pacific Global naman si Louise Suzane Alba Lopez ng Quezon City, Mrs. Philippines Asia Pacific All Nation’s naman si Darling Topacio Edralin ng Misamis Oriental, Mrs. Philippines Asia Pacific Tourism Joana Krisanta La Madrid ng Ilagan City, Mrs. Philippines Asia Pacific Intercontinental Ma. Glovel Tasico ng Batangas, Mrs. Philippines Asia Pacific Cosmopolitan Sarima Paglas ng Maguindanao, Mrs Queen of Hearts Philippines Catherine Jordas Flores ng Ilocos Norte at Mrs. Queen of Hearts Tourism Ivy Dianna Manzo-Bo ng Cavite.

Unang itinakda noong Abril ang pageant subalit ito ay iniurong dahil sa coronavirus pandemic.

Tiniyak naman ng organizers na mahigpit nilang ipinatupad ang health protocols sa nasabing pageant.