-- Advertisements --

Pinatawan ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ng habambuhay na ban at P200,000 multa si Michole Sorela ng Gensan Warriors matapos ang marahas na foul laban kay Jonas Tibayan ng Mindoro Tamaraws noong Lunes, Agosto 11.

Nangyari ang insidente sa 7:33 mark ng third quarter sa Batangas City Coliseum, kung saan biglaang sinuntok ni Sorela si Tibayan habang nagpapatuloy ang laro.

Nawalan ng malay si Tibayan at agad dinala sa ospital, kung saan siya ay na-diagnose na may bali sa panga at concussion.

Sa opisyal na pahayag ng MPBL, kinondena nito ang insidente: “Hindi kami magtutolerate ng ganitong aksyon. Nilalagay nito sa panganib ang mga manlalaro at sinisira ang imahe ng liga.”

Gayunpaman nanalo ang Mindoro Tamaraws sa laro, 76-72.

Ayon kay MPBL Commissioner Kenneth Duremdes: “Isa ito sa pinakamalalang insidenteng nakita ko sa basketball. May buong kapangyarihan ang liga na magpataw ng parusa sa ganitong kahindik-hindik na asal.”