-- Advertisements --
Pinatawan ng MPBL ng lifetime ban si Michole Sorela ng GenSan Warriors.
Ito ay matapos ang ginawa nitong panununtok kay Jonas Tibayan ng Mindoro Tamaraw nitong Lunes sa Batangas Coliseum.
Bukod nasabing lifetime ban ay pinagmulta din siya ng P200,000.
Dahil sa insidente ay dinala sa pagamutan si Tibayan na nagtamo ng pagkabasag ng panga at pagputok ng mga labi, fracture sa balikat at ilang mga pasa.
Sinabi ni MPBL commissioner Kenneth Duremdes na hindi nila kinokonsinte ang nasabing pangyayari kaya agad silang gumawa ng aksyon.