Kapos pa rin para sa target na year-to-date record ang naitala sa pinagsamang revenue collection ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon sa report ng Department of Finance (DOF) para sa buwan ng Hunyo, P270.77 billion lamang ang naipasok na buwis, bagay na mas mababa ng P56.57 billion, kung ihahambing sa P284.8 billion na naitakdang target.

Pero sa positibong aspeto, P59.28 billion naman itong mas mataas, kung ikukumpara sa P211.50 billion na nakolekta noong Hunyo ng nakaraang taon.

Ang BIR ay nakalikom ng P228.23 billion, o mataas ng P68.04 billion kaysa P160.2 billion noong 2019.

Habang ang BOC ay nakakuha ng P42.54 billion noong Hunyo o mas mataas ng P1.8 billion kumpara sa P40.74 billion para sa kaparehong buwan.

Base sa pumasok na year-to-date entry, ang collection ng dalawang tanggapan ay P1.155 trillion na bahagyang mababa ng P220.47 billion, mula sa P1.375 trillion para sa Enero hanggang Hunyo noong 2019.

Lumalabas na kailangan pang maghabol para sa P1.187 trillion para sa target ng pamahalaan.