-- Advertisements --

Nakitaan ng US Centers for Disease Control and Prevention na epektibo ang monkeypox vaccine.

Ayon sa pag-aaral ng ahensiya mula Hulyo 31 hanggang Setyembre 3 na ang hindi bakunadong tao ay 14 beses na mahahawa ng monkeypox kumpara sa tao na nabakunahan na ng 14 araw o mahigit sa kanilang unang shot.

Ang nasabing resulta ay base na rin sa kumpirmadong infections mula sa 32 na lugar sa US.

Magugunitang nagtala ang US ng 25,000 na kaso na nagsimula noong Mayo.

Sinabi naman ni CDC director Rochelle Walensky na ang nasabing data ay nagpapatunay na epektibo ang bakuna.